La Bella

From Aurora to Angela :)

“grabe, carbon copy-ing carbon copy ka ng Mama mo”, yan ang line na lagi kong naririnig tuwing makikita ako ng mga kamag-anak namin o ng mga kaibigan ni Mama, obviously dahil sobrang kamukhang-kamukha ko siya at yun na nga siguro ang pinaka-apparent na characteristic na nakuha ko sa kanya. Pero siyempre, me being like my mom is more than just our pretty faces (pretty talaga kasi sabi ng nanay ko magada daw ako, bawal kumontra, haha!). minsan nga, kapag sinusuri ko ang sarili ko tungkol sa iba’t ibang mga bagay, nasasabi ko sa sarili ko, “shet, parang nagiging kagaya ko na si mama (in a thousand ways).” as in, pati sa ugali, mannerisms, way of thinking, etc. Pero bago ko i-elaborate ito, mas maganda siguro na balikan din muna kung saan naman nanggaling si Mama, at saan nanggaling ang Mama ni Mama, at pati na rin ang Mama ng Mama ni Mama…whew! in short, ite-trace ko ang aking matrilineal line para naman buong-buo ang pagkilala ko sa aking pagkatao…

umpisahan natin sa aking lola sa tuhod, si Lola Aurora, pero “Nanay” ang tawag ko sa kanya. 84 years old na siya pero malakas pa din, yun nga lang, minsan talaga eh nakakalimot na din sa mga bagay bagay at parang mas bata pa sa akin kapag nagkukuwento.

nakakatawa nung one time, nagkuwento siya sa akin, sabi niya, may dumadalaw daw sa kanyang manliligaw na doktor, may kotse pa daw, pero siyempre daw hindi niya pinapansin dahil loyal siya sa kanyang poging boyfriend na si Jose. (si Jose si Tatay) nakakatuwa kasi clear pa talaga sa isip niya ang mga pangyayari almost 70 years na ang nakalipas at ngayon bumabalik sa kanya lahat ng ala-ala na akala mo nung isang taon lang nangyari. pero ang catch talaga dun is, kahit na wala na si Tatay, loyal pa rin siya at mahal na mahal niya.

actually, 18 years old lang si Nanay nung naging mag-asawa sila ni Tatay, at nagkaroon sila ng 10 anak. nakapag-golden wedding din sila. at ngayon, kahit nauna na sa langit si Tatay  ay talaga namang siya pa rin ang nasa puso ni Nanay dahil may halo pa ring kilig ang mga kuwento niya ng past nila. sa kabila ng mga problemang dumating sa kanila (imagine: 10 KIDS), at given the fact na beterano ng giyera si Tatay, talagang Nanay invested a lot para sa pamilya nila – just like a typical “ina” – na sa kabila ng lahat ng hirap eh hindi siya sumuko. nagawa pa nga niyang magtrabaho din noon para lang makapagprovide din sa mga anak niya, kaya noon pa man, hindi na uso ang konsepto na dapat, ang padre de pamilya lang ang bread winner.

at ayun nga, ang kauna-unahang bunga ng pagmamahalan nina Nanay at Tatay ay ang aking Lola Avelina, na tinatawag kong Mommy simula ng ipanganak ako. Si Mommy, gaya ni Nanay, ay ang tipo ng babae na loyal sa taong minamahal niya at handa ring gawin ang lahat para sa pamilya.

nung dalaga pa siya, bilang panganay nga rin sa 10 magkakapatid, ay napilitan siyang magtrabaho ng maaga para mapag-aral ang sarili kahit papaano at makatulong na rin sa pamilya. sa katunayan, sabi ni Mommy sa akin, pati pag-gagasoline girl ay pinasok niya noon. sobrang workaholic at sipag ni Mommy at nagagawa niya iyon dahil sa pagmamahal sa kanyang pamilya. nasasabi ko ‘to ng taas noo dahil si Mommy ang nagpalaki at nagpa-aral sa akin kaya naman isa ako sa talaga namang nakakadama magpahanggang ngayon kung paano siya magmahal. sa katunayan, hanggang ngayon, sa edad na 67, ay nagtatrabaho pa din siya bilang sekretarya dahil sabi nga niya, hindi siya sanay ng walang ginagawa at ang pinaka-nakakatouch na part, dahil nga daw kailangan pa naming siya.

maagang nabiyuda si Mommy dahil sa edad na 50 ay binawian na ng buhay si Daddy (lolo ko) dahil sa sakit na diabetes. hindi naging madali kay Mommy ang lahat dahil siyempre, sa kanya naiwan ang lahat. hindi lang mga anak niya ang naiwan sa kanya, kundi mga apo na rin. ang buhay mag-asawa nila ay naging masaya naman ngunit hindi rin naging madali ang lahat. nabigyan na ng dahilan si Mommy para isuko ang pamilya ngunit hindi niya iyon ginawa dahil sa labis na pagmamahal, kaya naman hanggang sa huling sandali ni Daddy eh sila pa rin ang magkasama. hanggang ngayon, kahit na may mga nanliligaw pa din kay Mommy (oo, meron talaga! daig pa ko!), eh hindi niya pinapansin ang mga ito dahil sabi nga niya, si Daddy lang daw talaga at wala ng makapagbabago nun. ‘nga pala, gaya ni Nanay, 18 years old din si Mommy nang magpakasal sila ni Daddy at 18 in. ang waistline niya (kasama talaga ang waistline?) haha!

kahuli-hulihang bunga ng pagmamahalan nina Mommy at Daddy ang aking mahal na ina, si Mama Annalene. gaya nina Nanay at Mommy, working mother din si Mama. sa katunayan, siya rin ang breadwinner ng pamilya at si Papa naman ang househusband. see? hindi uso sa pamilya namin na dapat, lalaki lang ang bumubuhay sa pamilya. girl power siyempre, hehe.

anyway, ayun nga, si Mama ang nagpoprovide ng kaban ng kayamanan sa amin at ito ang madalas nilang pagtalunan ni Papa. alam niyo na, ego issues ng guys, hehe. pero never namang nanumbat si Mama dahil sabi nga niya, ginagawa niya yun para rin naman sa amin. ang nakakatuwa lang, kahit na parang medyo nagpalit ng role sina Mama at Papa eh typical na ina pa rin naman si Mama dahil madalas eh gumagawa pa rin siya ng gawaing bahay – except pagluluto, mas masarap magluto si Papa. sa ngayon, sa Saudi nagtatrabaho si Mama at si Papa namang ang nandito.  gaya nina Nanay at Mommy, marami na ring napagdaanan si Mama na halos ikasira ng pamilya namin ng tuluyan. in fact, ilang beses na rin palang nasira ang pamilya, pero dahil kumakapit pa si Mama eh medyo naibabalik naman. mahal niya kasi kami eh, lalo na si Papa. minsan,dumating na sa point na idini-deny niyang mahal pa niya si Papa pero nung suyuin na siya uli ni Papa, nagpa-hard-to-get lang ng konti pero kinilig din naman (dinaig pa ko!). isa sa mga pinakamartir na taong nakilala ko itong si Mama (next to Mommy and Nanay), kasi ba naman, masokista at sobrang bait, kaya siguro pati ako ganun eh, pero mamaya na ko.  to end Mama’s chapter here, banggitin ko lang na 20 years old siya nang kinasal sila ni Papa (fresh from graduation) at ang waistline? di ko alam eh, haha!

so ito na, chapter ko na. ako si Angela, ang bunga ng linya from Nanay to Mommy to Mama. ako ang panganay nina Mama at Papa, maganda rin ako kagaya nina Nanay, Mommy at Mama haha! pero ito, kidding aside, nung pinagtagpi-tagpi ko ang common denominator nila, ito ang lumabas:

  • ·       maganda! (kasama talaga toh!!! haha!
  • ·       loyal to the person they love (di uso ang pagkembot sa other guys!)
  • ·       working girls
  • ·       got married at a young age
  • ·       qualified for martyrdom (dahil sa ilang mga nakakaiyak na dahilan na pinili kong ‘wag nang isama)

so far naman, nararamdaman kong hindi ako outlier sa kanilang lineage dahil maganda naman ako (sabi ng Mama ko, haha!), loyal ako (swear!), working girl (dahil rakitera ako, haha! at hindi ako naniniwala na dapat lalaki lang ang provider), at sa tingin ko naman ay may potential ako maging martyr (after all I’ve been through, huhuhu.. L charot! haha)…yun nga lang, hindi pa ako kinakasal though pwede pa namang humabol bilang 20 pa lang naman ako, pero wala talaga akong balak in the near future, siguro mga 5-10 years pa.

nakakatuwa rin palang mag-trace ng family tree at icheck base sa kanilang experiences ang iyong sariling set of experiences kasi malalaman mo na at some point pala ng buhay nila ay naging parang ikaw din sila, especially during the time na they are at your age. atleast pag nasermunan ka sa nagawa mong kagagahan, masasabi mo sa kanila na ganito rin naman po kayo dati ah, haha! chos lang! pero ayun nga, based from the evolution ng names kung paano mo sila tinatawag (Nanay à Mommy à Mama) hanggang sa personalidad nila bilang babae, masasabi mo na, yes they are changes: time, culture and society wise, pero the thing is the core inside and the essence of being a woman does not change. atleast ngayon, mas maiintindihan ko na ang sarili ko kung bakit ako ganito at kung paano ako naging ganito.

look at the names Nanay, Mommy and Mama, pare-pareho sila ng ibig sabihin di ba, pare-pareho ding babae ang tinutukoy, pero iba-iba ng pakahulugan at makikita na may evolution.. I wonder tuloy kung ano na ang itatawag sa akin ng magiging anak ko – that is kung magkaka-anak ako – haha! of course, I love to have a family, pero kasi sa father’s side ko naman, may history ng pagtandang dalaga ng mga panganay na babae sa pamilya…hmm, which actually gave me a brilliant idea: check my patrilineal lineage… then choose which path to follow, pwede kaya yun? hmm… :)

 

  

 

 



yeah…

(Source: fuckyeahamazing)


I wrote on the door of my heart, ‘Please do not enter.’
Love came smiling and said: ‘Sorry I am an illiterate.’

– Michael Paul  (via quote-book) Via Quote Book:

tama! pag walang spark, wala na talagang pag-asa..

(Source: quote-book)



gusto ko ng ganitong kwarto!!!! :D



you were born because you’re going to be important to someone <3

(Source: fuckyeahamazing)



yes. yes. yes. <3

(Source: this--too--shall--pass)


If you are on God’s side reblog this. If you’re on the Devil’s side, keep scrolling.

unicorn-rains:

easy reblog.

(Source: paul-escalante)

Via asdfghjkLien. ♥



yeah! ^__^


121
To Tumblr, Love PixelUnion

We're updating Fluid!

Soon, we'll be updating the look and feel of this theme. Read about the changes here. You can easily turn off this notification in the theme customization panel.

Close